Wednesday, December 1, 2021

Lahat by ALYSSA lyrics

Lahat

ALYSSA

GENRE
Pop
[Verse 1]
Gabi-gabing humihiling
Sa pagdating ng mga bituin
Na 'king makapiling ang himbing
Sa iyong tabi

[Verse 2]
Tatakbuhin kung kailangan man nating
Lakbayin mga araw ng pag-iisa't lamig
Makauwi lang muli
Sa iyong bisig

[Refrain 1]
Ikaw ang init sa magdamag na ginaw
Ang minsang ligaw sa dagat ng bughaw
Ang malambing na yakap ng dilim
At ang liwanag sa aking takipsilim
Ikaw, ikaw
Ikaw ang lahat

[Verse 3]
Damang-dama ang payapang dala
Ng 'yong pagsama
Ang ginhawa ng pusong 'di nag-iisa
Kahit minsan noon ay nagsara

[Refrain 2]
Ikaw ang hila sa bawat tulak nila
Ang pangangambang ayaw kong mawala
Ikaw ang hantungan ko sa aking bawat galaw
At bahagi ng aking balang araw
Ikaw, ikaw
Ikaw ang lahat

[Outro]
Sumobra man ang kulang
Sa iyo pa rin ilalaan
Ang bawat puwang
Dahil mahal, ikaw
Ikaw ang lahat
Mahal, ikaw
Ikaw ang lahat

Related songs

I Like Shorts! They're Comfy and Easy to Wear!Chrundle the Great Donut Fist FightDannythestreet Tsugunai 岩佐美咲 525Ailee Nelly FurtadoTyFontaine Am Ende des TagesJosh. Leroy Jethro GibbsNCIS Databases ツキミソウ Novelbright With YouSana LOCANina Flowers

No comments:

Post a Comment

Without Me by KIDZ BOP Kids lyrics

Without Me ...